Skip to content

Ang Iyong Organisasyon

Pinagpasyahan ng iyong Organisasyon na magamit mo ang gamit sa komunikasyong SpeakUp® na nilikha ng People Intouch B.V. (“kami,” “amin”).

Nakabase ang People Intouch B.V. sa Netherlands, sa European Union (EU), samakatuwid, tumutupad kami sa EU GDPR (General Data Protection Regulation) na isa sa pinakakomprehensibong mga regulasyon sa proteksyon ng personal na data sa mundo.

May bisa ang Pahayag sa Privacy na ito kapag ginagamit mo ang SpeakUp® para makipag-ugnayan sa iyong Organisasyon.

Tungkol sa SpeakUp®

Sa pamamagitan ng SpeakUp®, maaari kang mag-iwan ng ulat at magsimula ng ligtas na usapan sa iyong Organisasyon sa loob ng SpeakUp®.

Ang iyong Organisasyon ang may-pananagutan sa pagproseso ng iyong personal na data sa pamamagitan ng SpeakUp® at mananatili itong tagapagkontrol ng data. Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa SpeakUp® at sa kung paano ipoproseso ang iyong personal na data, makipag-ugnayan sa iyong Organisasyon o alamin ang kanilang Patakaran sa SpeakUp at/o Patakaran sa Privacy. Ang People Intouch ay ang tagaproseso ng data at seryoso kami sa tungkuling iyon. Ang ibig sabihin nito ay ibibigay namin sa iyo ang pinakamainam na posibleng ligtas na paraan para makipag-ugnayan sa iyong Organisasyon.

Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Nais naming maramdaman mong ligtas ka habang ginagamit ang SpeakUp® at nais naming ipaalam sa iyo ang mga sumusunod:

Sensitibong data

Ang SpeakUp® ay hindi para sa pagpapaabot ng sensitibong personal na data gaya ng lahi, data sa kalusugan, mga politikal na pananaw, mga pilosopikal na paniniwala (panrelihiyon o ateista, atbp.), sekswal na oryentasyon o legal na kasaysayan. Hinihiling naming isaalang-alang mo ito kapag ginagamit ang SpeakUp®.

Mga Menor-de-Edad

Kung isa kang menor-de-edad, kailangang kunin ng iyong Organisasyon ang pahintulot ng iyong mga magulang o tagapag-alaga para magamit mo ang SpeakUp® kung ito ay iniaatas ng batas.

Kung paano ito gumagana

Ano ang nangyayari sa isang ulat na iniwan sa SpeakUp®?

Ibabahagi ang nilalaman ng isang ulat sa iyong Organisasyon at gagamitin at ipoproseso lang ito para sa mga layunin ng iyong Organisasyon sa paggamit ng SpeakUp®. Palaging ibinabahagi ang mga ulat sa inyong Organisasyon nang nakasulat. Isinusulat muna ang mga awdyo na ulat bago ibinabahagi ang mga ito at awtomatikong binubura ang file na awdyo. Pwede mong paganahin ang mga paunawa sa email o mga push na paunawa para sa SpeakUp®. Pwede mong hindi paganahin ang mga push na paunawa para sa SpeakUp® na mobile app anumang oras sa pamamagitan ng mga setting ng iyong device. Alamin ang Patakaran sa SpeakUp at/o Patakaran sa Privacy ng iyong Organisasyon para sa marami pang detalye ukol sa kung ano ang nangyayari sa isang ulat na iniwan sa SpeakUp®.

Kawalan ng Pagkakakilanlan

Kapag nag-iiwan ng ulat sa SpeakUp®, maaari kang magpasyang ibahagi ang iyong pagkakakilanlan sa iyong Organisasyon o manatiling walang pagkakakilanlan. Kung magbabahagi ka ng mga personal na detalye sa iyong ulat, ipoproseso ang mga ito ng iyong Organisasyon kapag pinangasiwaan nila ng iyong ulat.

Bakit pinoproseso ang personal na data kapag ginagamit ang SpeakUp®?

Kinakailangan ang pagpoproseso ng personal na data sa SpeakUp®:

Aling data ang pinoproseso?

Ang ilang tiyak na data mula sa iyo ay awtomatikong kinokolekta kapag ginagamit ang SpeakUp® at hindi ibabahagi sa iyong Organisasyon. Pinoproseso ang data na ito para maibigay sa iyo ang lahat ng kakayahan ng SpeakUp® para sa mga layunin ng pagpapatunay, para sa mga layunin ng pagbibigay-abiso (kung pinagana; hal. ang iyong email address), para makapagtatag ng ligtas na koneksyon sa iyong device at para mapigilan at matukoy ang mga banta sa seguridad o iba pang nakapipinsalang aktibidad. Hindi kailanman gagamitin ang impormasyong ito para sa anumang iba pang layunin at itatago lang hangga’t kailangan para sa naturang layunin maliban kung mapahaba ang panahong ito dahil sa napatunayang paggawa ng nakapipinsalang aktibidad.

Seguridad ng data

Nagsagawa ng mahihigpit na mga hakbang ang People Intouch para mapigilan ang pagkawala, maling paggamit o pagbago ng iyong personal na data. Ang lahat ng data ay naka-encrypt kapag ipinapadala gamit ang SpeakUp® web at ang SpeakUp® na mobile app. 

Cookies

Kapag binibisita ang SpeakUp® web, gumagamit ng cookies sa sesyon para makapaghatid ng ligtas na komunikasyon. Buburahin ang data ng cookie sa sesyong ito pagkalipas ng dalawang (2) oras. Maaari mong gamitin ang mga setting ng iyong browser para burahin, hindi paganahin o harangin ang cookies.

Mga Pagbabago

Nais ng People Intouch na patuloy na magpabatid sa iyo sa pinakamahusay na posibleng paraan at maaaring amyendahan at baguhin ang Pahayag sa Privacy na ito sa pana-panahon.

Anu-ano ang iyong mga karapatan?

Ang iyong Organisasyon ang may-pananagutan sa pagpoproseso ng iyong personal na data at sa paniniguro sa iyong mga karapatan mula sa naaangkop na mga batas sa proteksyon ng data. Mangyaring alamin ang Patakaran sa SpeakUp at/o Patakaran sa Privacy ng iyong Organisasyon para sa marami pang impormasyon ukol sa pagpoproseso ng personal na data ng iyong Organisasyon at sa iyong mga karapatan sa proteksyon ng data.

Huling binago noong Hulyo 12, 2022.

***